Wednesday, July 30, 2014

2+6+4+4+...


2 years in prep, 6 years in elementary, 4 years in highschool and finally 4 years in college (claiming!!!). Well that's a total of 16 years. 16 years of my life in school, ang dami kong natutunan, education wise and of course sa buhay.. At sa 16 years na yun ang dami ko ding kaibigan at kaklase na napikitunguhan. Mabuti, masama lahat pinakisamahan ko, hindi naman maiiwasan yun, kailangan talaga sa buhay yan eh, mabuti man o masama may ganyang talaga, way ni Lord para matuto tayo sa mga bagay-bagay... 


BUHAY ESTUDYANTE:

1. Tahimik- ito yung mga taong ewan ko, nkakatakot kausapin? Haha ndi ko kasi alam kung panu ako magrerespond sa kanila. Sila yung mga taong pag may inutos ka sunod lang sila ng sunod, dont get me wrong hindi tayo boss, may mga bagay lang talaga na hindi keri ng 2 kamay ko lang :) masarap silang kausap kasi kahit na anung sabhin mo tanggap lang sila ng tanggap madami din ako natutunan sa kanila, minsan lang talaga kailangan nating manahimik at magisip tungkol sa mga bagay bagay..

2. Mahiyain - mahiyain sila kapag kelangang mag report or pag nasa kanila ang atensyon, pero pag wala naman sa kanila ang atensyon todo papansin. haha pero hindi naman sa lahat ng oras ganun may iba lang na ganun. sht baka kung sinu ng iniisip niyo jan ha? :))

3. Madaldal- I really think i belong to this kinds of student, sinung hindi?! Lahat tayo dunaan sa pagkakataong dumaldal tayo, minsan lang kaso yung iba ginagawa ng hobby ang pag daldal. Masaya naman ang mga kaklaseng ganito, minsan sila ang nagbibigay buhay sa klase.. Ang problema lang kasi minsan, wala na sa lugar ang pagiging madaldal nila, nagiging simula ng away ang mga taong ito.

4. Tamad - wala na silang ginawa kundi ang mag utos ng mag utos. hindi naman nila ginagawa ang part nila, yung iba nagpapakahirap at nagpapakapuyat matapos  lang yung inassign sa kanila, sila hindi, minsan, sila pa yung laging kulang kasi nga ang hirap daw isearch, ate/kuya lahat mahahanap mo na sa internet, kahit boyfriend o girlfriend pa yan. Sila din yung ang lapit lapit lang ng kukunin hindi pa magawa, aba, binigyan tay ni lord ng 2 kamay at paa, gamitin naman natin ng tama.

5. Gala - wala silang bukang bibig kundi ang gala, punta tayo doon, punta tayo jan, sila ang every week may plano na, daig pa ang schedule ng artista, taob si ate vi. Pero ito rin ang mga taong masarap kasama, hindi ka mamomroblema kasi alam nila lahat ng daan, lahat ng sasakyan, kung pwede nga pati daan papuntang heaven itanung mo na din sakanila.

6. Matatakaw - sila yung kahit tapos na ang break o magsisimula pa lang ang klase eh ngumunguya na agad-agad, baka hindi napakain ni mother kaya palaging gutom. anywhere, anytime kapag nagugutom ka lapit ka lang sakanya..

7. Masayahin/joker/banatero - kung ang oag buhay lang din naman sa katawang lupa ng stress na estudyante ang kailangan, sila ang pwedeng iprescribe ng doctor, mawawala talaga stress mo. Minsan nga lang syempre hindi naman pwedeng happy lang lagi, pag badtrip ka kasi nkakainis na din pag bgla silang babanat. Haha

8. Girl group - daig pa nila ang girls generation kung mag sama-sama, sa lahat ng bagay pare parehas sila, para rin silang winx club na ibat iba ang karakter at minsan nagaassign pa kung sino sila sa mga palabas katulad ng mga totally spies, at ang sikat na powerpuff girls.

9. Boy Group- daig pa nila ang One Direction pag nagsama-sama, minsan sila ang lakas tama sa klase parati, may teacher man o wala. pag badtrip sila, wag mo silang kakausapin, daig pa nila si daniel padilla sa SDTG kung magalit, aba pati tayo dinadamay sa kabadtripan nila.

10. Masungit - sila ang mga taong nkakatakot kausapin, ewan ko ba kung babae yan baka meron lang sila. Titingin ka pa lang lche parang gusto mo ng tumakbo (joke ang oa) pero minsan kasi palgi talagang may "minsan", minsan pagbabalat kayo lang nila yun, masungit talaga sila (joke ulit haha) minsan muka lang silang masungit pero pag nkausap at nakaclose Mo sila, swak na swak na ang friendship.

11. Madadamot - kahit nung bata ka pa, madami ka ng naging kaklaseng ganyan, parang hihiramin mo lang yung eraser eh, ang damot damot, para namang mauubos nya yun eh mawawala nya din naman un, sinu na bang nkaubos ng eraser ha? Pero nakakatawa minsan, hindi mo alam kung nagdadamot sya kasi palagi ka nalang sa kanya umaasa o madamot lang talaga sya.

12. yung mga palaging humihingi - ewan ko kung ang pagiging girl scout o boy scout ang kailangan para mabuhay tayo, i'm sure wala na tong mga to. sila yung wala ng ginawa, sa araw-araw na ng ginawa ni Lord eh palagi ng humingi sa kung anung meron ka. pero kung crush mo yung humihingi, todo bigay ka, kung pwede lang pati puso mo isama mo na para mapansin ka rin nya. :)

13. Mayabang - yung presensya pa lang nya ang hangin na, lahat ng lumalabas sa bibig nya eh ewan ko ba, parang hinahatak nito ang kahit na anung dilubyo kaya siguro laging may bagyo dito sa pilipinas. Ok lang sana kung may ipagmamayabang eh, kaso minsan non sense na yung pagyayabang, hindi na nakakatuwa.

14. Makukulit - meron kasing tao na makulit lang pag malakas ang tama, pero meron talagang makulit na makulit. minsan iniisip ko na lang, nasa earth pa rin kaya utak nito?

15. Optimistic - eto yung mga taong kahit alam mo ng 80% na hindi maganda ang mangyayari eh todo cheer pa rin at laging "looking at bright side" ang peg. Sila ang mga taong laging nandyan para bigyan ka ng piece of advice sa mga bagay bagay. kung malungkot ka at may problema, lumapit ka lang sa kanila, para makakuha ka naman ng konting aura galing sa libro nila.

16. Pessimistic - parang wala ng ginawa si lord na tama sa buhay ng mga ito. hindi ko alam kung panu sila bibigyan ng confidence sa sarili, kung pwedeng pahigupin ng hangin ang mga ito papahigupin ko na para naman maging iba ang utak nila. Nakakadala kasi talaga yung mga ganitong tao eh, yung ang saya saya mo, tapos may sasabihin silang ilang mga bagay, wala, nawala ka na din sa wisyo.

17. Yung mga nag aral, masisipag at laging highest sa klase - proud na proud ako sa mga taong to, walang pinapalamapas na kahit na anung linya sa libro o mapa notes man. Kung pwede lang silang santuhin eh ginawa ko na, baka sakaling mahawa ako sakanila, oh di ba swertehin pa ako.

18. Hindi nagaral pero palaging pumapasa - naiinis ako sa mga to. hahaa! ewan ko ba kung anung meron sa mga utak nila, bakit hindi kayo nagaaral? bakit chill chill lang? anung sikreto, hindi ko alam kung minsan nagloloko lang sila na hindi sila nagaral-kasi madami talagang ganun, pero minsan kasi, nababasa mo sa mg GM nila at mga post sa social networking sites na talaga namang gumala sila o nagpakasaya or whatsoever. Baka nag advance study?

19. Ang mga masisipag gumawa ng assignment - hulog sila ng langit pagdating sa mga assignment, yung iba papasok ng maaga para lang makikopya sa kanya-lahat tayo naging ganito, naalala ko pa nung geometry namin nung 2ndyrHS haha, kaso minsan malas, kung sinung masipag gumawa ng assignment sya laging late, OR maaga sya ikaw naman ang laging late. Mabuti nauso ang fb, post na lang sa group!!!

20. At yung mga mejo hindi pinagpala - syempre hindi naman lahat 
nadadalian sa pagaaral, naniniwala ako na siguro hindi lang talaga para sayo ang field na yun. kasi syempre, hindi naman lahat magaling sa lahat ng subject, minsan dinadaan lang talaga sa sipag. pero minsan kahit anung sipag wala pa din, Lord anu bang kailangan pang gawin para pumasa?

21. Maganda/cute/gwapo - sila ang hearthrob at sikat sa room o sa school. lalabas pa lang sila alam mo ng marami na ang nagpapantasya sa kanila. sila ang palaging pinanlalaban sa mga competition within and outside of the school. Nung nagpaulan si Lord ng kagandahan at kgwapuhan nasambot na nilang lahat yun, ewan ko ba kung bakit sila lang?, minsan hindi na sila nagtira.

22. Leaders - ito na ata ang pinakaayaw kong posisyo sa lahat. Ang hirap kasi kapag may mga responsibilidad kang kailangan gawin, kaya hanga ako sa mga ito, tska medyo naaawa na din, aminin niyo pag group work sya lahat ang gumagawa? (MINSAN)

23. Mayayaman - lahat ng tungkol sa kanila eh nangniningning at lahat ay bago :) ang sarap maging kaibigan ng mga ito, hindi dahil lahat libre kundi alam mo yun, kaapag kelangan mo sila palagi silang anjan (ginawa mo namang financer? Haha). Pero kung mala mean girls sila leche kahit sila na lang ang natitirang tao dito at ako, hindi ako magaatubiling lumapit saknila at makipagfriends (in a sarcastic tone), no joke magsosolo na lang ako forever.

24. Ang mga adik sa  kpop/music/movies/kdrama - every morning chikahan na lang about sa pinanood nila, napakinggan nila ang buka g bibig nila all day all night feeling ko hanggang sa twitter, status at chat sa db unpinaguusapan nila, baka dinala pa nila yunsa instagram. Haha. Pero sino ba naman ang hindi maeexcite at mapapagalon sa tuwa, kilig at amazement kapag may karanay ka sa mga ganitong bagay?

25. yung mga kaklase mong artistic o madaming talent - nung naghulog si lord ng talent, alam mo na, tulog ka din ata. Nakakainggit sila, kung pwede lang sumanib ang kahit konting powers nila eh hihilingin mo na, lalo na kapag MAPE, hanep ito yung mga pagkakataong kelangan magaling ka magdrawing o kaya ang walang humpay na kailangan mong kumanta at sumayaw sa harapan ng buong klase o minsan ng buong school.

26. Happy go lucky- ito yung mga taong gagawin lahat ng gusto nila kasi yun ang gusto nila. Kahit bumagsak man sila gagala sila anywhere anytime. Pero hindi naman lahat ganun , nagaaral din yang mga yan, grabe may konsensya din naman kami. Haha ang goal lang namin eh maaabot ang expectation ng mga nakapaligid samin at syempre ang magenjoy din naman sa buhay, ayaw naming magpakalugmok at magaral ng magaral lang, ang sakit kasi sa ulo, nakakabaliw. Sabi nga nila "it's always a goodtime"

ADDITIONAL:

27. Cheater - feeling ko naman nagaral sila, nakulangan lang sa dasal. pero minsan ayon sa obserbasyon ko, hindi talaga eh, hahaha, syempre there's no other way to pass but to cheat, seriously? wala namang masamang bumagsak kahit ilang beses, isipin mo, mas masarap pumasa kapag alam mong inaral mo yun, galing sa puyat at sa kape yun oh.

28. mga laging late - sabi nila kapag naka 3 late ka na, equivalent yun sa 1 absent, naka ilang absent ka na kaya? kung palagi ka mang late, swerte mo kung hindi nagrerecord ng attendance ang prof or hindi ka napansin ni teacher, pero aminin mo, para kang artista sa tuwing dadating ka :) lahat ng atensyon ng mga kaklase mo nasayo pati teacher mo. TIP: panoodin mo yung commercial dati ng mentos yung *mr (i cant remember) SIT DOWN!

29. yung mga palaging tulog sa klase - eto yung minsan mapapaisip ka, kwago ba to? gising sa gabi tulog sa umaga? minsan, hindi mo naman sila masisisi kapag talaga namang nanghuhugot sa lakas ang nagtuturo o nagrereport o kung sino man ang nasa unahan. 

SINO KA SA KANILA? Alam kong madaming tao ang nasa isip niyo, kung pwedeng ipost ang picture nya kasama ang mga ito ay gagawin mo, gagawan mo pa ng powerpoint presentation. 


Meron pa bang iba? Medyo nag halo-halo na utak ko sa pagiisip. Hindi naman lahat ng nandito ay applicable sa lahat, pero feeling ko naman lahat tayo eh naging ganyan, or half of that. Hindi magiging buo at hindi mo machecherish ang pagiging estudyante mo kapag wala kang nameet na ganyan :) SIGE ARAL PA!