Thursday, March 27, 2014

Yes it's hard, but We survived

Nag-isip ako ng 10 bagay kung bakit mahirap ang third year, hindi ako sure kung ganito din yung sa inyo o baka first year pa lang nararanasan mo na to, or maybe,(kung graduate ka na) never mong naranasan to. Well, I’m really proud of you, you’re really fortunate.

1.       MAGASTOS. #1 na problema naman yan ng lahat ng estudyante, not unless may ari yung nanay at tatay mo ng isang malaking kompanya, pero I’m sure naman, kahit isang araw sa loob ng 1,2,3,o 4 na taon sa college naranasan niyo to. Yung nauubos na yung pera mo sa photocopy, tapos pagdating ng finals, dun nagsisilabasan ang lahat ng basag sa apparatus ng lab niyo or yung mga printed na requirements ng prof mo, ang hirap ng humanap ng piso print sa panahon ngayun.

2.       MAHIRAP YUNG SUBJECT/ ANG DAMING KAILANGAN ARALIN, NAG-ARAL KA NA PERO BAGSAK PA DIN. 1st year,2nd year ka pa lang pero marami ka ng naririnig na mahirap yung isang subject, lalong lalo na pag ito ay tungkol sa pagcocompute, o kahit na anu related sa calculator. Ang daming halaman, bacteria, structures, isama mo pa yung date ng history ng pilipinas, mawiwindang ka na. Iniisip pa lang ng marami sa inyo yung subject nay un nawawalan na kayo ng pag-asa. Pero di ba, nkakadepress naman talaga pag nagaral ka pero hindi ka pa rin pumasa, ok lang sana kung lahat kayo bagsak eh ang hirap kasi pag ikaw lang.

3.       Syempre, TERROR NA PROF/ hindi naman sila terror, iba lang talaga yung Aura nila once na nasa loob na sila ng room. hindi ko alam kungterror ba ang tawag dun o mahirap lang talaga silang magturo or sisihin na lang natin yung #2 dahil kahit anung ikot ng mundo, maubos pa ang tinta ng ballpen mo, manghingi ka pa ng papel sa katabi mo eh mahirap talaga yung subject na yun. Umaasa ka na lang n asana may meeting yung mga prof or for short, ABSENT YUNG PROF

4.       READ THE INSTRUCTIONS CAREFULLY. Aside from #2 and #3, sinu ba naming hindi nakatakas ditto, (except dun sa mga talagang nagbabasa ng instruction). Kapag alam mong gahol/ubos na yung oras mo, or alam mong magtatagal ka sa isang subject, hindi mo na binabasa yung instructions, isa sa mga rason kung bakit bumabagsak sa isang quiz or exam ang estudyante. Yung shade AB if the statement is false, and CD if true, tapos nakita mo agad yung AB akal mo true na, patay tayo jan.

5.       PUYAT. Yung ilang oras na lang tulog mo para aralin yung quiz mo na ilang items lang pero ang haba ng aaralin at imememorize, mabuti sana kung maeexempt ka sa final exam kung maipapasa mo. Pero mga 50% ng inaral mo hindi naman lumalabas, hindi mo alam kung sang kalawakan kinuha ng prof mo yung mga tanung, lalong lalo na at hindi naman sya nagdidiscuss.

6.       KAPE/COBRA NA LANG ANG BESTFRIEND MO. Sila na lang ang bestfriend mo sa gabi, bago matulog baka nga hanggang paggising sila pa rin ang tinetake mo, pero minsan hindi sila effective kaya nagagalit ka sa kanila na parang tao. Ang dami mo ng nainom pero parang lalo ka pang inantok, itulog mo na lang ng ilang oras yun kahit mga 30 mins siguro pwede na.

7.       PROJECTS. Ang dami niyo ng quiz pero sasabay pa tong mga projects na to na sandamakmak ang kailangan mong isearch, icompile at iprint, tapos minsan over 30 lang yung points. Kaya ang saya-saya pag extended yung deadline, parang yun na yung deadliest deadline. :)

8.       PRESSURE/STRESS. Malimit to sa mga taong nasa star section or something like that, pwede din to sa may mga ate/kuya na nagpharma, or kung panganay ka sa ilang magkakapatid, I’m sure, stress na stress ka sa malimit na pangangaral sayo ng magulang mo na magaral ka parati. Pero most of the time, nakakapressure kapag Malaki yung expectation sayo nung mga profs mo or nung kaklase mo, kung pwede lang mag vanish kahit ilang araw lang nagawa mo na.

9.       SAKIT. Nakakastress magkasakit, mawala ka lang ng isang araw, pagbalik mo may quiz na next meeting, ganyan kahirap maging third year, ang isang araw na pagkawala ay katumbas ng isang linggong parusa lalo na kung may quiz nung mga araw na absent ka, mahirap maggawa ng re-ad, mahirap hanapin yung prof mo, mahirap makiusap, mahirap ng lahat kaya alagaan niyo ang sarili niyo. Ayaw nating lahat magkasakit pero ewan ko ba, minsan yung sakit na yung lalapit satin, haay ang hirap. Kahit simpleng sipon or ubo man yan, ang hirap hirap.

10.    “GET ¼ / ½ / 1 WHOLE SHEET OF PAPER”. Ito na ata ang pinakanakakabang moment sa akin lalong lalo na kapag hindi ako nakapagbasa, which is everyday :). Mamimili ka na lang sa magququiz ba kayo or mag rerecitation pero parang mas gugustuhin ko pa talagang mag quiz kesa magrecitation dahil mas nakakahiya pag wala kang maisagot sa harap ng mga kaklase at prof mo, pag quiz kasi yung prof mo lang, or kung exchange papers with your seatmate, kayo lang.

Napakarami pang rason kung bakit mahirap ang third year college, or kung bakit mahirap mag-aral pero naniniwala akong mag p pay-off din yan in the end, sabi nga ng tatay at nanay ko

“ concentrate lang palagi, aral ng mabuti at ienjoy” , yes i-enjoy! Lahat naman nakukuha sa sipag at tiyaga, pero minsan kailangan mo ding mag saya, manood ka ng sine, mag mall ka, kumain ka ng kumain, it’s the simple things that matter lalong lalo na kung stress at depress ka na. HAPPY VACATION TO Y’ALL!

OO MAHIRAP, PERO NA-ENJOY KO YUN DAHIL KASAMA KO 'TONG MGA TAONG 'TO NA TINANGGAP AKO NG BUONG PUSO SIMULA NUNG NAPAPUNTA AKO SA SECTION NILA, GUSTO KONG MAG THANK YOU AS IN THANK YOU! YOU NEVER FAIL TO AMAZE ME EVERYDAY, lalo na kapag alam kong wala ng tulog pero sige pa rin sa pag-aaral, LAHAT KAYO DESERVING TALAGA SA KUNG NASAN MAN KAYO NGAYUN :) I LOVE YOU GUYS #3A